Sa Lumang Gusali ng 3rd Street – Pinoy Gay Erotic Stories

531833_653093121384766_1116905059_n“Sa dating tagpuan. Sa lumang gusali ng 3rd street, sa dating oras.
Magkita tayo. Darating ako. Hintayin mo ko”

Walang humpay ang buhos nang ulan, pero hindi ko alintana iyun. Makarating lang sa aming tagpuan.

Ganun ko siya kamahal. Ganun ko siya hindi kayang kalimutan.

Iniwan kong lahat para sa kanya.
Kinalimutan ko kung ano ako at kung ano ang meron ako.
Tiniis ko ang hirap na mawalan ng yaman.
Ng magulang. Ng mga kaibigan.
Para sa pagmamahal ko sa kanya.
Ngayon pa ba kami susuko.
Mahal ko si Dino. At alam kong mahal niya ako.
Magkayakap naming susuungin ang anumang problemang darating sa amin.
Basta’t magkasama kami.
Basta’t kaming dalawa habang buhay.
Siya, ay ang unang lalaking minahal ko ng ganito.
Ako na nagmahal sa kapwa ko lalaki.
Walang pagsisisi kong nilabanan ang kahihiyan.
Ipinaglaban ko siya.
Ipinaglalaban ko hanggang ngayon.
Magkikita kaming muli.>
Matapos ang ilang buwang pareho naming tiniis ang mawalay sa isa’t isa dahil sa pagtutol ng aming mga magulang sa relasyon namin.
Masakit man sa loob kong kalabanin ang aking magulang pero anong magagawa ko.
Nagmahal lang ako.
At kung kasalanan man talagang magmahal sa ganitong pagkakataon, mas gugustuhin konang magkasala haban panahon kaysa mawala siya sa akin.

Mahal ko si Dino. At mahal niya ako.

Bakla!
Makasalanan!
Baboy!
Walang Kahihiyan!
Ilang libong ulit kong narinig ang mga katagang iyun sa aking ama.
Makailang ulit niya akong pinatikim ng kanyang latay kahit sa edad kong ito pero tiniis ko iyun. Nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako ng totoo.
At putang’ina ninyong lahat! Sabihin ninyo nang lahat.
Duraan ninyo na ako sa mukha.
Murahin ninyo na ako’t sumpain.
Titiisin ko lahat nang iyan. Huwag ninyo lang kunin sa akin ang mahal ko.
Panandaliang tumigil ang mundo ko.
Kami lang dapat ni Dino. Akin lang si Dino.
Pero hindi siya dumating. Wala si Dino.
Ang lalaking pinaglaban ko.
Malungkot akong umuwi sa apartment na aking tinutuluyan.
Ngunit laking tuwa kong doon ko nakita si Dino.
Naroon lang siya sa aking kwarto.
” Akala ko ba dun tayo magkikita”
Pagtatampo ko. Wala akong narinig na paliwanag sa kanya.
Niyakap lamang niya ako. Hinalikan sa labi. Matagal.
Hanggang sa magising akong isang umagang wala na naman si Dino sa aking tabi.
Naisip kong baka pinagluluto niya ako ng almusal.
Ngunit nang tunguhin ko ang hapagkainan ay wala rin siya roon.
Saglit pa’y isang tawag sa cellphone ang natanggap ko.
Isang masamang balitang hindi ko alam kung paano ko tatanggapin.
Nakita raw ang hubad na katawan ni Dino kagabi sa lumang gusali ng 3rd street.
Wala nang buhay.&nbsp;</pre>
Patay na si Dino.</pre>
Panandaliang tumigil ang mundo ko.

Kami lang dapat ni Dino. Akin lang si Dino.”

Pinoy Gay Erotic Stories

Credits to: Ang Mga Lihim Ng Pulang Diary

YouPorn
  • Rafael Manuel Hillario

    grabe nmn un storya,,

  • Kiko

    I was tought not to say anything i have nothing good to say so… I wont be saying anything else…

  • Kiko

    I was taught not to say anything, if i have nothing good to say. So, i won’t be saying anything else.